Posts

Image
Isa sa pinaka paboritong inumin ng mga pinoy ay ang kape. walang pinipiling oras ito kung inumin. Lalo na sa tulad ko na mahilig uminom ng kape! Bata pa lang ako ay nakikita ko na ang tambak at sako sakong buto ng kape na imbak ng aking lola. Madami din kaming puno ng kape sa tabing bahay. Kaya naman,, sa bawat pag sasangag ng aking lola sa mga buto  ng kape, ay talagang maamoy mo ang aroma nito. Kapeng barako ang tawag ng mga Batangueno dito....masarap, at sakto lang ang tapang na timpla.. Tapang na kaya kang ipag laban.